Saturday, October 3, 2015

ito na naman...

Himala. Isang himala na makakaruha ako ng remedial exams. Isang himala sapagkat nung oras na iyon, ramdam na ramdam ko na wala akong alam.

Hindi ko alam kung ano dapat kong maramdaman. Natutuwa ako pero nalulungkot ako. Sobrang nanghihinayang ako. Sobrang naiirita. Akala ko sapat na ang inaral ko. Akala ko sapat...ngunit kulang. Nablangko ang utak ko. Ang kakarampot na kaalamang napagtibay ko sa loob ng isang gabi ng paspasang magaaral ay tuluyang nawala. Ang samplex na akala ko magiging sukatan kung gaano kahirap ang exam ay walang binatbat sa totoong exam. Nangamote ako.

Umasa ako. Umasa ako na ang mga alam ko ang lalabas. Umasa ako na sapat ang pag-aaral na ginawa ko. Hindi naman yun ang una kong pagbasa sa mga topics. Kahit papano naman siguro may natutunan ako. Umasa ako ngunit nabigo. Masakit. Lagi na lang akong sumasabit. Laging kulang.

Alam kong ako ang may kasalanan. Ngunit kahit gaano ko man katanggap na ako ang maysala , masakit pa rin. At muli ko na namang itatanong sa sarili ko, tama ba ang daang tinatahak ko? Para sa akin nga ba ito? Malungkot. Masakit. Pero kailangang magpatuloy...